218

Nov 19, 2018 @ 21:16
By

Inisyal na listahan ng party-lists sa 2019 polls, inilabas ng Comelec

Naglabas ng partial na listahan ang Commission on Elections (Comelec) ng mga party-list group at lokal na kandidato na tatakbo sa May 2019 midterm polls.

Ipinoste ito ng Comelec sa kanilang website http://www.comelec.gov.ph.

Ang tentative list umano ng mga kandidato ay para matsek ang mga pangalan bago ilagay sa opisyal na balota.

Pinapayuhan naman ng Comelec ang mga kandidato na tignan kung tama ang kanilang mga pangalan na inilathala.

Bukas aniya ang poll body na itama ang mga maling spelling ng pangalan hanggang Nobyembre 29 at hindi na ito papahintulutan matapos ng nasabing petsa.

Kabilang sa mga party-list group na nasa inisyal na listahan ang Abono, Butil, PBA, Senior Citizens, Acts-OFW, Gabriela, Magdalo, Akbayan, Bayan Muna, TUCP, Ako Bicol, CIBAC, Buhay, at LPGMA.

Naglabas na rin ang Comelec ng tentative list ng mga senatoriable.

Target ng poll body na makapag-imprenta ng mga opisyal na balota sa Enero 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?