263

Jun 15, 2019 @ 16:39
By

Inisnab sa PH pool: Remy Martin nagtampo sa Gilas

Aminadong nasaktan ang Fil-American na si Remy Martin matapos malaman na hindi kasama ang kanyang pangalan sa PH national team pool na sasalang sa 2019 Fiba World Cup.

Si Martin, na US NCAA Division I guard para sa Arizona State, ay hindi pa mabibigyan ng tsansang irepresenta ang Pilipinas sa Fiba-sanctioned tournament kahit pa matagal na nitong inihayag ang kanyang interes sa national team.

“Just got a call and I will not be representing the Philippines in the World Games! It was an honor to be mentioned,” ayon kay Martin.

Ngunit siniguro ni Martin, nag-average ng 12.9 points, 5.0 assists, 3.2 rebounds, at 1.3 steals sa Arizona Sun Devils, na handa siya lagi sakaling kailanganin siya ng Gilas.

“Hurt…Will Always Represents!! Thank You For The Support! #NextTime #GoGilas,” ayon sa caption ni Martin habang nakabandera ang watawat ng Pilipinas.

Sey naman ng iba, kung sakaling hindi pa niya oras sa Gilas ay pwede siyang sumalang sa ibang international tourney tulad sa Mighty Sports o sa Jones Cup.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?