96

Oct 24, 2018 @ 11:14

Inisnab ng mga kaklase, binigyan ng Front row seat sa NBA

Isang anim na taong gulang na bata ang hindi sinipot ng mga kaklase sa kaniyang kaarawan matapos niyang imbitahan sa pizza party.

Saad ni Sil Mazzini, ina ng batang si Teddy inimbitahan nila ang 32 kaklase ng bata at ang mga magulang nito ngunit wala ni isa ang dumalo sa naturang pagdiriwang sa Peter Piper Pizza restaurant sa Tucson.

Samantala maraming nakisimpatya at nagpadala ng mga birthday card para kay Teddy matapos na ipost ng isang Tucson reporter and mga litrato ni Teddy.

Bumaha ng mga mensahe ng pagsuporta mula sa mga tao sa social media at inimbitahan ng Phoenix Suns ang bata na manood ngayong miyerkules sa laro laban sa Lakers.

Dagdag pa rito’y inimbitahan din ng Phoenix Rising and bata na manood ng playoff game sa darating na biyernes. Saad ng spokesperson ng team ipinarating daw ng fans ng team ang kagustuhan ng mga ito na makatulong sa bata , habang ang iba’y handa pang magpagawa ng jersey para kay Teddy. – Jobelle Macayan

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?