73

Mar 10, 2020 @ 13:23
By

Inisnab ang NGCP hearing! Almeda sinayang ang oras ni Gatchalian, ibang senador

Hindi tinago ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagkadismaya ang hindi pagsipot ni National Grid Corporation of the Philippines President Anthony Almeda sa hearing ng Senado ukol sa umano’y panghihimasok ng China sa nasabing ahensya.

Paliwanag ng spokesperson ni Almeda na si Cynthia Alabanza, may sakit umano ang NGCP top official simula pa noong Lunes ng umaga kaya hindi nakadalo sa nasabing hearing.

Inabisuhan pa umano si Almeda na magtungo sa ospital para magpatingin, kaya’t humingi si Gatchalian ng medical certificate kay Almeda para mapatunayang may sakit ito.

Sakali mang hindi muli sumipot si Almeda sa susunod na hearing ay nagbanta si Gatchalian na kanyang isa-cite in contempt ang NGCP president.

Sinuspende ni Gatchalian ang hearing dahil sa pagkawala ng importanteng resource person para maimbestigahan ang NGCP.

“Nakakahiya para sa mga senador na nagprepare din. Nasayang ang oras,” ayon sa senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?