238

Dec 30, 2020 @ 20:26
By

Inipit sahod! Shopee kinuyog ng mga rider

Trending ang Facebook post ng isang rider kung saan idinaing niya ang pang-iipit ng online shopping app na Shopee sa kanilang mga suweldo.

Sa post sinabi ni Estrang Vench Alvarez na tinanggap na nga nilang wala silang 13th month pay pero huwag naman aniyang ipagkait sa kanila ang pinaghirapan nilang suweldo.

“Kahit ung sahod nalang namin na December 7 to 13 ang hinihiling namin. Puro delay pasahod nalang lage pasakit at pahirap ginagawa nyo sa rider nyo. Kagabe nag pasahod 10pm to 12am sa taguig tapos biglang nag bago lumipat nang pasay kaya d na kmi tumuloy isipin mo 12am papapuntahin ka pang pasay WTF hays tapos sabi bukas meron daw pero ngaun wala mismong sahod namin pinaghihirapan pa namin makuha,” kuwento ni Alvarez.

Makikita sa post ni Alvarez ang video ng nangyaring pagsugod nilang mga rider sa tanggapan ng agency ng Shopee na Placer 8 sa Taguig.

“Ung 2nd video ayun ung actual kagabe sa taguig sobrang pahirap sa mga rider nang shopee. Si Shopee galante sa iba pero sa mismong empleyado ipit na ipit ang pondo,” dagdag ni Alvarez.

Wala kaming tanging hinihiling kung hinde SAHOD namin. PINAGHIRAPAN namin yan. 😭😭😭
Tanggap na namin na wala kaming 13th…

Posted by Estrang Vench Alvarez on Tuesday, December 29, 2020

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?