22

Sep 23, 2020 @ 15:43
By

Inipit na P10B ‘ayuda’ ibigay sa mahihirap – Drilon

Kinastigo ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa pag-ipit ng P10 bilyong cash aid na dapat sana’y ipamamahagi sa mga mahihirap ng pamilya, batay sa nakasaad sa Bayanihan to Heal As One Act.

Pinarating ni Drilon ang isyu kay Finance Secretary Carlos Dominguez sa pagdinig ng panukalang budget ng Department of Finance para sa 2021.

“To stimulate the economy, the government should spend money so long as it is within the bounds that we have set. In yesterday’s hearing of the DSWD, however, the secretary of the DSWD said they have not spent P10 billion out of what was given to them,” sabi ni Drilon.

Tinutukoy nito ang P10 bilyon na bahagi ng pondong ibinigay sa DSWD sa ilalim ng Bayanihan 1 bilang ayuda o special amelioration program (SAP) para sa 18 milyong mahihirap na pamilyang Pinoy.

Ayon sa minority leader, ang hindi paggastos ng DSWD sa P10 bilyong SAP funds ay taliwas sa naunang polisiya ng gobyerno na gastusin ang pera para ma-stimulate ang ekonomiya ng bansa.

Sa pagdinig noong Martes, sinabi ng DSWD na nahihintay lang sila ng utos mula sa Department of Budget and Mangament (DBM) kung ire-realign o di kaya;y ibabalik sa treasury ang nasabing P10 bilyong savings.

“If this practice will go on, I am afraid that your policy of budget spending will not bear fruit,” ani Drilon.

Sinabi naman ni Dominguez na nagulat siya na may P10 bilyong pondo ng SAP ang hindi pa nagagastos. Tatalakayin umano nila ito sa Development Budget Coordinating Council (DBCC) at pag-usapan kung ano gagawin sa nasabing pera.

Giit naman ni Drilon, mas mainam na ipmahagi na lang ang naturang pondo sa mga mahihrap na labis na naapektuhan ng pandemya.

“The DSWD should give the P10 billion to the poor which did not receive the second tranche of SAP. Huwag po nating tipirin ang tulong natin sa ating mga kababayan,” ani Drilon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?