41

Apr 18, 2020 @ 7:09
By

Inip na sa COVID? Mga madre sa Spain, nag-basketball

Dinaan na lamang sa sports ang tila pagkainip ng mga madre sa Spain, nang magkaisa ang mga itong magbasketball sa loob ng kanilang monastery.

Patok ngayon sa social media ang video ng nasabing mga madre na tila nagpapawis sa pamamagitan ng basketball sa gitna ng banta ng coronavirus.

Cute ang kanilang eksena dahil bagama’t pasa-pasahan lang sila ng bola at walang nangyareng dribble ay umiskor naman at mala-heaven na naka-shoot ang mga sister.

Marami namang naaliw sa paandar ng mga sister at di naawat sa pag-react sa twitter.

@moviemanstan: “Defense sisters! Defense!”

@CSeidmanNBCS: “This video is the first good thing to happen in 2020”

@davidfryemu89: “Their crossovers are heavenly…”

@pdwschmidt: “The sister in the white habit has got game!”

Sa ngayon ay mayroon nang 188,068 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Spain.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?