20

May 5, 2021 @ 13:33
By

Ininsulto pa! Pinoy baller sinuntok sa Amerika

Naranasan ng isang teenager na Pinoy ang diskriminasyon sa isang basketball game sa Oakland.

Sa report ng KPIX 5, kinuwento ng nanay ni Evan ang ginawa sa kanyang anak sa Battle of the Bay III tournament.

Makikita sa isang video na panunulak at pagsuntok ng isang lalaki kay Evan,

Ang kinainis pa ng mga magulang ng Pinoy ay wala man lang daw natanggap na sorry ang kanilang anak.

Bukod pa dito, nilantad din ng ina na ang kalabang team na San Francisco Generals ay nagpapatama ng mga insulto sa South Bay Snipers, kung saan karamihan ng mga manlalaro ay mga Asyano.

Pinagpatuloy pa rin sa paglalaro ang nanuntok sa Pinoy teenager, ngunit ayon sa pahayag ng Grassroots 365, organizer ng event, ay naparusahan na raw ang bayolenteng player.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?