13
ABANTE alburuto mayon ndrrmc 81k
By

Inilikas sa pag-aalburoto ng Mayon, umabot na sa 81K – NDRRMC

Umakyat na sa mahigit 81,000 indibiduwal ang mga inilikas dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Romina Marasigan, halos 70,000 mga residenteng inilikas ay nasa loob ngayon ng 69 na evacuation centers habang ang 11,000 iba pa ay tumutuloy ngayon sa kani-kanilang mga kaanak o ‘di kaya’y nasa mga temporary shelter na tinayo ng mga residente sa labas ng evacuation area.

Tiniyak naman ng NDRRMC na may sapat na pagkain at suplay para sa mga residente.

Sa kasalukuyan, sa 36,000 family food packs na ipinadala na nila noon, mayroon pang ikinakarga ngayon ang Philippine Coast Guard na 7,400 na food packs patungong Albay.

Tiniyak pa ng NDRRMC na may mga doktor at nurses mula sa Department of Health na tumitingin sa kondisyon at namimigay ng gamot sa mga evacuees. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?