226

Jun 27, 2019 @ 11:32
By

Inilawan bago nabangga: Robredo dinetalye ang kwento ng mangingisdang Pinoy sa Recto Bank

Inilahad ni Vice President Leni Robredo ang naging bersyon ng mga mangingisdang nakausap niya noong dumalaw ito sa Occidental Mindoro.

Ayon kay VP Leni sa panayam sa Unang Balita ng GMA, sinabi nito na tingin ng mga mangingisda ay nakita sila ng mga Chinese sa vessel dahil inilawan muna umano sila ng mga ito bago nangyari ang insidente ng pambabangga.

“Yung kuwento talaga pareho nung unang kuwento, na bago sumalpok sa kanila yung barko, iniliwan na sila. Pakiramdam nila nakita na sila. In fact ang kuwento nila after sila nabangga inilawan pa ulit sila at nakita na talagang lumulubog yung barko,” ayon kay Robredo.

Akala pa raw ng mga ito ay babalik ang mga Chinese para tulungan sila ngunit hindi ito nangyari.

Saad pa ni Robredo, kita nito ang pagkatensiyonado ng mga mangingisda habang nagkekwento.

Ayon sa kapitan na si Junel Insigne nang makapanayam ng media ilang araw matapos ang insidente, hindi umano siya sigurado kung sinadya ang pambabangga, taliwas sa mga unang pahayag nito bago natanggap ang tulong mula sa gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?