133
Iniiwasang komite sa Senado, gustong hawakan ni Marcos
May 29, 2019 @ 20:18
By

Iniiwasang komite sa Senado, gustong hawakan ni Marcos

Posible umanong mapunta kay Senadora Imee Marcos ang chairmanship ng Senate committee on ways and means.

Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, nagpahayag na ng interes si Marcos para pamunuan ang ways and means committee na kasalukuyang hawak ni Senador Sonny Angara.

“Siya lang nag-express ng gusto niya eh. Umiiwas kaming lahat. Eh kung walang mayroong gusto, siya ang may gusto malamang kanya na,” ani Sotto.

Maliban sa ways and means, target din aniya ni Marcos na kunin kay Angara ang committee on local government na maaari ring makuha ng una dahil handa na umano ang huli na bitawan ang iba niyang komite kung makukuha nito ang committee on finance.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?