266

Dec 27, 2017 @ 14:11
By

Iñigo Pascual spotted na may ka-date na Latina

Sa unang pagtatanghal ng magic show na ‘Impossible’, marami ang nagtatakang fans kung sino ‘yung babaeng kasama ni Iñigo Pascual. Hindi Pinay ang beauty nito na parang Latina beauty at mukhang ikaka-insecure ni Maris Racal.

Gusto sana naming tanungin ang anak ni Piolo Pascual kaya lang, we felt na awkward ang situation dahil non-showbiz function naman ito at baka hindi niya magustuhan ang aming ‘pangingialam’.

Tahimik lang naman ‘yung girl na ayaw makipag-agawan ng atensiyon sa mga tagahangang walang tigil ang pagpapa-selfie sa Kapamilya actor.

Game rin naman ito sa ‘panggugulo’ ng kanyang faney na hindi namin nakitaan ng anumang pagkainis o pagkairita. Basta may gusto magpakuha, go lang siya with a smile, huh!

Back to Maris, ano kaya ang pakiramdam niya na Paskong-Pasko ay hindi siya ang kasama ni Iñigo? O baka naman, kamag-anak ni Iñigo ‘yung girl at sinamahan niya lamang ito at pagkatapos ay nakipagkita kay Maris.

Naku, wala kaming alam, huh! Sinubukan naming obserbahan ang mga kilos ng dalawa at parang normal na kilos lamang ‘yun na hindi mo pag-iisipang may something-something sa kanila. O baka, nag-iingat lang ang aktor dahil alam niyang sila ay nasa public eye. Charosss!

Anyway, aalamin namin ito kay Iñigo at hihingan namin ng reaksiyon si Maris na isa sa bida sa pinipilahang ‘Haunted Forest’ ng Regal Films sa ongoing MMFF 2017. (Glenn Regondola)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?