1,052
maris-inigo
By

Iñigo at Maris hiwalay na?

Nanliligaw nga ba si Iñigo Pascual sa Korean host na si Sunny Kim na kilala rin bilang si VJ Sunny? Nagsimula nga ito nu’ng sabihin niyang gusto niya ito.

Well, agad nga itong itinanggi ni Iñigo, na kesyo wala raw romantic angle sa kanila. Hinahangaan lang daw niya talaga ito bilang isang talented na VJ kung saan fluent ito sa English at Tagalog sa kabila ng pagiging isang genuine Korean nito.

Bago pa man kumalat ito at maging dahilan para magselos si Maris Racal at maghiwalay sila agad, pinatay na nga ni Iñigo ang usok para hindi na maging isang malaking apoy.

Nakakahanga nga naman ang isang katulad ni Sunny na bago sumabak sa pagbi-VJ ay she made sure na magaling na siya sa ibang language na karamihan ay siyang kahinaan ng ilang Koreano na sumikat dito sa ating bansa. So, itigil na ang tsismis na hiwalay na agad sina Iñigo at Maris, ha!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?