33

By

Iñigo ‘inasawa’ si Mangahas

Dinepensahan ni Axel Iñigo si Allan Mangahas para tiklupin ng Pasay Voyagers ang Biñan City Luxxe White Krah, 68-57, sa 3rd Chooks-To-Go MPBL Lakan Cup 2019-2020 eliminations Biyernes sa Bataan’s People Center, Balanga.

“Prinaktis lang talaga naming yung defense simula nung dumating si coach coach Vic (Escudero) sa amin,” wika ni Axel sa post game interview.

“Sa first half clumsy, rough kami. Nag-focus lang kami sa defense lalo na kay kuya Allan [Mangahas] kasi one of the best point guard siya sa liga,” dagdag ni Iñigo na diniyeta si Biñan skipper sa 5 points mula sa 2-of-9 shooting.

Nanguna pa rin sa opensiba ng Pasay si Iñigo sa 13 pts., 7 rebounds at 6 assists. Sumukli Jason Opiso ng 11 markers at 6 boards upang kunin ang ika-2 sunod na panalo ng Pasay at 15-12 sa pangkalahatan para sa pangwalong puwesto sa North Division.

Naging dikitan ang laro bago matapos ang 2nd half, 33-35 ngunit agad namang nagpasabog ng 13-2 bomba ang Pasay na nagbigay sa kanila ng malaking agwat hanggang 15 sa dulo ng laro.

Bitin ang 11 markers at 7 caroms ni Jed Mendoza para Biñan na sumadsad sa 12-16 win-loss record sa pagkatengga sa 10th spot sa South Division.

Ang iskor:

Pasay 68 – Inigo 13, Opiso 11, Ilagan 10, Jamon 8, Lastimosa 6, Chan 6, Reverente 4, Belencion 4, Lasquety 4, Dela Cruz 2, Lomtong 0, Hilario 0, De Villa 0, Moradas 0, Pasia 0.

Binan 57 – Mendoza 11, Stenvens 10, Villanueva 8, Acosta 7, Neypes 6, Parala 5, J. Mangahas 5, A. Mangahas 3, Rivera 2, Bautista 0, Justiniani 0, Adorio 0. (Aivan U. Episcope)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?