107

Iñigo, Gabbi, Loisa at Joshua nominado sa Nickelodeon Kids’ Choice Awards 2018

Napiling nominado para sa kategoryang “Favorite Pinoy Newbie” ng Nickelodeon Kids’ Choice Awards 2018 sina Gabbi Garcia, Iñigo Pascual, Joshua Garcia at Loisa Andalio.

Sa inilabas na pahayag sa media ng Nickelodeon, maglulunsad sila ng bagong “four-week voting wave” kung saan ihahayag ang mga bagong kategorya kada linggo hanggang sa dumating ang show sa Marso 26.

Ang kategorya ngayong linggo ay ang “Favorite Pinoy Newbie”.

Maaaring bumoto ang mga fans sa mga digital platforms ng Nickelodeon kabilang na ang Kids Choice Award website nito.

Puwede ring bumoto ang mga fans sa Twitter sa pamamagitan ng paglagay ng hashtags na #KCA at #FavPinoyNewbie kadugtong ang pangalan ng iyong iboboto sa tweet.

Magandang balita ay: Walang limitasyon ang pagboto, dahil maaaring kang bumoto hangga’t gusto mo.

Sa oras sa Pilipinas, magsisimula ang show ng alas-singko ng hapon sa March 26.

Magbabalik naman bilang host ng event si WWE Superstar John Cena.

Kabilang din sa mga nominado na kids’ choice sina Dwayne Johnson, Gal Gadot, Beyonce, Kevin Hart, Taylor Swift, Camila Cabello, Luis Fonsi, Shawn Mendes, Zendaya, Chris Patt, Khalid, Cardi B, Selena Gomez, Millie Bobby Brown; Kendrick Lamar, Justin Bieber, Harry Styles, Chris Hemsowrth, Ed Sheeran; “Coco”, “Jumanji: Welcome to the Jungle”, “Guardians of the Galaxy Vol. 2” at “Wonder Woman”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?