28

Oct 6, 2017 @ 11:36

Ingay sa pulitika, wa epek sa merkado – Palasyo

Ipinagmalaki ng Malacanang na  tuloy ang paglakas ng merkado at tiwala ng mga investors sa Duterte administration  sa  kabila  ng kabi-kabilang  ingay sa  pulitika.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Ernesrto Abella, maganda ang ipinapakitang paglakas ng local stock market na  nakapagtala  ng  bagong  record-high na 8,344.05 points sa stock index.

Malaki ang kumpiyansa ng Palasyo na lalo pang lalakas ang ekonomiya dahil sa nakakakasang major infrastructure  projects sa  ilalim ng  Build, Build program.

“The local stock market continues its record-breaking run when the index closed at a new record high of 8,344.05, ignoring the political noise, and highlighting investor confidence on the leadership of President Rodrigo Roa Duterte and his economic team,” ang  pahayag  ni Abella.

Umaasa  ang  gobyerno na  makakamit ng Duterte administration ang target na paglago para  magtuloy-tuloy  ang   pagsusulong  ng  mga  plano at  programa  na  makakatulong  sa pagbangon ng  mga  mahihirap na  pilipino.

“We remain hopeful that we would reach our growth target for the year as we move forward with our plans and programs.” ang  dagdag napahayag ni Abella.

Matatandaang  mainit  ang ingay sa  pulitika  dahil sa patuloy  na  paggigiit  ni senador  Antonio Trillanes IV sa  umano’y tagong  yaman  ni Pangulong Rodrigo Duterte  sa bangko, at   nadamay  na  rin  ang  mga  matataas na  opisyal ng  Office  of the  Ombudsman  dahil nagpagamit  umano sa  maruming  laro  ng  senador. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?