17

By

‘Ingay’ ng UAAP mababawasan

Sharing is caring!

Inilabas na ng pamunuan ng UAAP ang opisyal na kautusan na naglilimita sa paggamit ng bass at snare drums sa darating na Season 81.

Sa guidelines na inilabas ni Atty. Rene Saguisag, executive director ng UAAP, apat na bass at dalawang snare drums na lamang ang pwedeng gamitin sa Mall of Asia Arena at sa Araneta Coliseum.

Samantalang sa mas maliit na lugar gaya ng FilOil at Blue Eagle Gym, limitado lang sa tig-isang bass at snare drum ang puwede.

Inuutos din na iayon sa laro ang pagpalo sa mga drum at huwag tumugtog habang time-out at sa pagitan ng mga laro.

Sa mga brass band naman, puwedeng magbitbit ang bawat koponan na hanggang 25 instruments sa MOA at Araneta ngunit bawal ito sa FilOil at Blue Eagle Gym.

Hindi naging maganda ang reaksyon ng mga atleta at mga tao sa unang inilabas na ‘1 bass 1 snare drum’ rule. (Aaron Brennt Eusebio)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?