44
kidlat
By

Ingat sa kidlat: Delay sa NAIA inaasahan

Dahil sa inisyung Red Lightning Alert Linggo ng hapon, asahan na magkakaroon ng mga flight delay sa Ninoy Aquino International Airport.

Sa pahayag ng Manila International Airport Authority (MIAA), pansamantalang suspendido ang ramp movement sa mga eroplano at personnel dahil sa kidlat.

“Ramp movement for both aircraft and ram personnel has been temporarily suspended at the Ninoy Aquino International Airport due to the Red Lightning Alert issued at 2:24 pm,” ayon sa statement ng MIAA.

Ang nasabing alert ay para maiwasan ang mga aksidente kaugnay ng kidlat sa mga pasahero, empleyado at hindi rin maapektuhan ang operasyon ng kanilang mga flight.

“Safety of passengers, flight and airport workers remain paramount in airport operations,” panapos ng MIAA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?