85

Jun 24, 2022 @ 22:51
By

ING kakalas na sa retail banking ng Pinas

Inanunsyo na ng Dutch bank ING na kakalas na ito sa retail banking ng Pilipinas ngayong taon upang makapagpokus sa wholesale business.

Ipinahayag ng ING na bibitaw na ito sa katapusan ng taon ngunit patuloy pa rin sa pag-invest sa wholesale banking.

“Will continue to invest in growing our wholesale banking business to strengthen our position in the country, and we have plans to increase our focus on sustainable finance,” saad ng ING.

Ayon kay ING country Head Hans Sicat, pananatilihin nila ang 30 taong pakikipagsososyo sa Pilipinas.

“We are proud of our leading positions in M&A (mergers and acquisitions) corporate advisory and capital markets,” aniya.

“We hope to take advantage of the growth prospects in various sectors like renewable energy, technology, media (and) telecommunications, infrastructure, financial institutions, among others.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?