1,240

By

Infra projects, programa para sa mga Pinoy, ibinida sa ika-2 taon ni Duterte

Sharing is caring!

Ipinagmalaki ng Malacañang ang mga malalaking infrastructure project at mga programang pinakikinabangan na ng mga Filipino sa ikalawang taon ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos maluklok sa puwesto.

Sa mensaheng ipinalabas ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go, nakikita aniya ng taumbayan ang mga isinusulong na economonic projects ng Duterte administration pati na rin ang mga programang pinakikinabangan ng mga Filipino gaya ng libreng edukasyon at mga programang pangkalusugan na naipatupad sa loob ng dalawang taon.

Magtutuloy-tuloy aniya ang pagsisikap mg Duterte administration sa pagsusulong ng mga programang babago sa buhay ng mga Filipino.

Sinabi ni Go na walang ambisyon ang Presidente at ang kanyang mga kasama sa gobyerno na manatili sa kapangyarihan at lalong walang isinusulong na batas para mapahaba ang kanyang termino.

“We have seen numerous infra and economic development projects, laws signed and implemented and social welfare, health and education programs put into place in the last two years.

“This is a testament of what President Duterte clearly wants for the country and for the Filipinos. We dont have ambitions of clinging to power, neither will we push for laws that would result to such,” ani Go.

Sinabi ng kalihim na hangad ng Pangulo na maipatupad ang tunay na pagbabago sa bansa at matamasa ng mga Filipino ang pag-unlad.

Ito aniya ang dahilan kaya seryoso si Pangulong Duterte na malinis ang gobyerno sa korapsiyon, patunay dito ang sunod-sunod na mga sinisibak ng Presidente na mga tiwaling opisyal ng gobyerno.

“The President will always want a clean and graft-free government and he has proven this many times by firing officials he appointed,” dagdag pa ni Go. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?