64

By

Infra projects huwag nang harangan ng election ban – Recto

Sinuportahan ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang panawagan ni Budget Secretary Benjamin Diokno na gawing exempted sa election ban ang malalaking infrastructure project ng Duterte administration.

Ayon kay Recto, marami nang proyekto ang gobyerno na atrasado na at posible pang lalong maantala kapag pumasok ang panahon ng eleksyon.

“I support the call of Budget Secretary Ben Diokno to exempt infrastructure projects from the election period ban on certain activities. Most infrastructure projects are already behind schedule, and instead of alleviating the delay, we aggravate it by suspending work simply on account that it is the season for candidates to shake hands and kiss babies,” pahayag ni Recto.

Diin nito, sayang ang pagkakataon at progreso kapag hindi naipagawa ang mga tulay, kalsada o gusali bukod sa sayang din ang panahon ng tag-init sa Mayo dahil ito ang magandang tiyempo para sa konstruksyon.

“Both people and progress lose if the building or facilities that they need will stop during the campaign period, more so if the latter coincides with summer – which is the best time, weather-wise, for construction,” dagdag ng senador.

Sa mga batas panghalalan, pinapayagan na magpatuloy ang mga pagawaing-bayan kahit may eleksyon basta’t naumpisahan bago pumasok ang campaign period at kapag walang bagong pondo na ilalabas para rito.

Pero naaantala ang mga ito dahil sa election ban sa paghahatid ng mga construction material, maliban kung may exemption gaya ng mga pinopondohan ng ibang bansa.

“The effect if that it is almost impossible to roll out projects one and a half months before the election. And even when projects qualify for exemption, government employees would rather err on the side of caution, fearful of being hailed to court, which is a possibility in a highly charged political atmosphere,” sabi pa ni Recto.

Kaugnay nito, nagpadagdag umano siya ng probisyon sa General Appropriations Bill para sa exemption sa election ban ng mga infrastructure project na nakaplano na para ngayong taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?