By

Infra program ni Duterte, dahilan ng pagsigla ng ekonomiya – DOF

Sharing is caring!

Kumpiyansa si Finance Secretary Carlos Dominguez III na mas lalago ang ekonomiya ng bansa sa pagtatapos ng taon ngayong todo ang pagbuhos ng pondo para sa mga istruktura.

Ayon kay Dominguez, sa kabila ng nangyari sa Marawi City at pamumulitika, gumanda pa ang lagay ng ekonomiya ng bansa matapos makapagtala ng 6.9% gross domestic product (GDP) growth.

Aniya, ang ‘Build, Build, Build’ infra program ng administrasyong Duterte ang pangunahing dahilan ng pagsigla ng ekonomiya.

Tiniyak din ni Dominguez na hindi magkakaroon ng ‘overspending’ sa kabila ng pagtaas ng halaga ng gastos ng gobyerno kaugnay pa rin sa inanunsiyong P8.4 trilyong pondo sa infrastructure projects.

Binanggit nito na malaki ang naitutulong ng remittances ng OFWs at patuloy na paglago ng call center industry sa ekonomiya ng bansa.

Ang naitalang 6.9% GDP sa ikatlong bahagi ng taon ay mas mataas pa sa China (6.8%) at Indonesia (5.1%) bagama’t nangunguna ang Vietnam (7.5%). (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?