108

Mar 28, 2020 @ 15:05
By

Informal sector tutulungan ng DOLE

Mga manggagawa sa informal sector dapat magpalista sa barangay para sa ayudang tulong ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay DOLE Asec Domnique Tutay, tinitingnan lamang nila ang information sheet sa kanilang website.

Aniya, maaaring lumapit ang informal wokers sa DOLE regional office para makahingi ng tulong.

Nakikipag-ugnayan na ang DOLE sa mga regional office at nagbibigay na sila ng form.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?