29

Nov 7, 2021 @ 15:40
By

Info drive paigtingin para Noypi magpaturok – solon

Sa halip na mag-isip kung paano maparurusahan ang mga hindi pa nagpapabakuna, ang dapat umanong tutukan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ay kung paano mapalalakas ang vaccine information drive ng gobyerno.

Ito ang sinabi ni House Assistant Minority Leader at Gabriela Rep. Arlene Brosas matapos na sabihin ng DILG na pinag-aaralan nito na huwag ibigay ang benepisyo ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19.

“Vaccine hesitancy among some Filipinos cannot be solved by another ill conceived arm-twisting scheme by the DILG in a desperate bid to boost number of vaccinated Filipinos,” sabi ni Brosas.

Sinabi ni Brosas na hindi rin maaari na basta na lamang dagdagan ng DILG ang mga kondisyon sa ilalim ng 4Ps program na isang batas.

“Ang kailangang lutasin ng DILG at ng gobyernong Duterte ay ang mabagal na vaccine rollout sa mga probinsya sa labas ng NCR. On the whole, no province outside NCR has over 50% of its population vaccinated,” dagdag pa ni Brosas.

Bukod sa pagkakaroon ng epektibong information drive, sinabi ni Brosas na dapat tulungan ng national government ang mga lokal na pamahalaan sa kanilang vaccination program at tiyakin ang tamang distribusyon ng bakuna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?