172
Influenza kumalat sa mga pambatong kabayo
Feb 9, 2019 @ 14:18
By

Influenza kumalat sa mga pambatong kabayo

Nanganganib na malugi ang horseracing community sa Britain matapos kumalat ang isang malubhang sakit na nagpapatamlay sa mga pangkarerang kabayo.

Nagsimula ang pagdami ng kaso ng equine influenza matapos magpositibo ang tatlong kabayo sa nasabing karamdaman sa Cheshire Yard ng sikat na horse trainer na si Donald McCain.

Nasundan pa ito ng tatlo pang sumunod na kabayo sa parehong stable, dahilan para gumawa ng ingay sa mga horseracing aficionado ang nasabing malawakang pagkalat ng influenza.

Dahil dito, nagpasya ang British Horseracing Authority (BHA) na itigil muna ang lahat ng aktibidad para masigurong hindi na mahahawaan ang ilan pang mga pambato, dahilan para magkaroon ng lockdown sa ilang dosenang hinete at kabayo sa nasabing bansa.

“The BHA is working closely with the Animal Health Trust in order to manage the logistical challenge of providing sufficient swabs and handling the volume of tests being sent through the facility, considering that testing of a total of 174 yards is now taking place,” ayon sa statement ng ahensya.

Ayon sa Daily Mail Online, sa pag-lockdown, nanganganib na malugi ng nasa 200M pounds o nasa higit P13.5B ang horseracing industry sa Britain, lalo pa’t posibleng makansela ang kinukusiderang pinakamalaking horseracing event na Cheltenham Festival.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?