14

Mar 4, 2021 @ 13:41

Influencers unahin din sa bakuna? Ridiculous! – Locsin

Tinutulan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang hindi natuloy na plano ng gobyerno na isali ang ilang “influencers” sa mga indibidwal na unang tuturukan ng COVID-19 vaccine sa bansa.

Magugunitang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nag-propose ang Inter-Agency Task Force (IATF) na maglaan ng 50 doses ng bakuna para sa mga “influencer” para “mapaigting natin ang ating vaccine confidence.”

Itong listahan ng mga “influencer” ay binubuo nina Roque, ilang opisyal ng gobyerno, at iba pang media personality at celebrity.

Pero hindi aniya sumang-ayon sa plano ang Interim National Immunization Technical Advisory Group for COVID-19 vaccines (iNITAG), ang grupo ng mga vaccine at health expert na gumagabay at nagbibigay-payo sa IATF.

“Ridiculous. One man’s influencer is another’s fool,” komento ni Locsin, sa Twitter, sa naudlot na plano.

“Forget it. Give it to the vulnerable. And poor,” payo niya pa.


Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?