23
ABANTE inflation rate train hingh philippines
By

Inflation rate tataas ng 4% dahil sa TRAIN – Lacson

Sharing is caring!

Nagbabala si Senator Ping Lacson sa apat na porsiyentong pagtaas ng inflation rate dahil sa pag-iral ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act o TRAIN law.

Nangangahulugan ito na maaring malaki ang maging pagtataas sa presyo ng mga bilihin at bababa ang halaga ng piso.

Salungat ito sa sinabi ng National Economic Development Authority (NEDA) na hanggang 1 % lamang ang iaakyat ng inflation hanggang matapos ang taon dahil sa TRAIN law.

Pero ayon kay Lacson, mga dati at kasalukuyang opisyal ng Bureau of Internal Revenue at mga accountant ang nagsabi na maaring tumaas ang inflation ng 2 % hanggang 4 %.

Kapag pumatong ito sa kasalukuyang 3.2 % na inflation, maari umanong umabot sa 5% hanggang 6% na lubha nang nakababahala.

“Well I’ve talked to some BIR officials mismo — former and incumbent officials, I’ve talked to several topnotch accountants — ang estimate nila between 2 and 4 percent ang tatama sa inflation,” pahayag ni Lacson.

“Pagka ‘yung increment na 4 or 3 percent pumatong doon, papalo na tayo ng mga 5 percent sa inflation. Medyo mataas yun. Medyo alarming yan kung aabot tayo ng mga 6 percent,” dagdag nito.

Una aniyang tatamaan ang presyo ng petrolyo na ngayon pa lamang ay nagtataas na bagaman sa Enero 15 pa dapat mag-umpisa ang mas mataas ditong excise tax dahil doon pa lang papasok ang bagong suplay ng petrolyo buhat sa abroad.

Tataas na rin aniya ang singil sa kuryente dahil gumagamit dito ng petrolyo, batay sa anunsiyo ng Meralco. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?