12
isagani-zarate
By

Inflation rate, lalo pang tataas dahilsa TRAIN 2 – Zarate

Sharing is caring!

Hindi umano malayong lalo pang tumaas ang 4.3 percent inflation rate na iniulat noong Marso ng Philippine Statistics Authority dahil sa mataas na presyo ng pagkain, inumin, sigarilyo at iba pang bilihin at serbisyo.

Ayon kay Bayan Muna partylist Rep. Carlos Isagani Zarate, ito ay bunsod ng epekto pa rin ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law na pabibigatin pa ng paparating na TRAIN 2.

“This is just the beginning of the harsh effects of TRAIN 1, and, with the coming of TRAIN 2 that will lower the income tax for corporations, the disparity between the rich and the poor would terribly increase. While poor consumers are being pushed down by TRAIN 1, the rich are getting richer by passing on their tax burden. Now with TRAIN 2, this gap would further widen,” babala ni Zarate.

Iginiit ni Zarate na kailangang bawiin o kung hindi man ay amyendahan ang mga probisyon ng TRAIN 1 na anti-poor.

Gayundin, dapat anyang maingat na suriin ang TRAIN 2 at huwag i-railroad gaya ng ginawa sa TRAIN 1 dahil kawawa ang consumers na overtaxed na.

Sentimiyento pa ng kongresista, hindi katanggap-tanggap ang panibagong pagbubuwis gayung hindi naman tumataas ang sahod ng mga manggagawa.

“This is truly unfortunate as it is deplorable onsidering that majority of consumers’ salaries are below minimum wage and the pittance that the Duterte administration gives through subsidy is hardly enough to tie them down, even it reaches them at all,” ani Zarate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?