39

By

Inflation rate bumaba sa 6 porsyento

Bumaba sa 6.0-percent ang inflation ng bansa sa dumating na Nobyembre, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ito’y matapos maabot ng Pilipinas ang 6.7 porsyento na inflation rate, ang pinakamataas sa nagdaang siyam na taon.

Matatandaan na noong Setyembre at Oktubre ay lumobo ang inflation sa 6.7-percent.

“This easing in inflationary momentum comes from both the decline in prices of food and non-food commodities. Rice and vegetables recorded big declines while meat and fish continue their upsurge,” saad ng Department of Finance.

“Slowdowns in the annual increase were noted in the indices of food and non-alcoholic beverages at 8.0 percent; housing, water, electricity, gas, and other fuels at 4.2 percent; and communication at 0.4 percent,” ayon naman kay National Statistician at PSA chief Lisa Grace Bersales sa isang press conference sa Maynila.

Sa ngayon, natamasa ng gobyerno ang kanilang binagong inflation target para sa panahon mula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon, na ngayon ay nasa 5.2 percent kumpara sa kanilang tantsa na 4.8 hanggang 5.2 percent bago matapos ang 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?