133

Dec 1, 2017 @ 18:52
By

Inflation rate bumaba – DOF

Tiwala ang Department of Finance (DOF) na bumaba sa 3.2 porsiyento ang inflation rate noong nakaraang buwan mula sa naitalang 3.5 porsiyento noong Oktubre.

Ang pagbaba ay bunsod ng matatag na presyo ng mga pagkain bagama’t tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo at kuryente.

Sa ipinalabas na economic bulletin ng kagawaran, may sapat na suplay ng pagkain dahil sa malakas na produksyon at bunga nito maaaring magpatuloy ang mababang inflation rate o mas mababang pagtaas sa presyo kumpara sa nakalipas na buwan.

Base sa datos, ang singil sa kuryente ng Meralco ay tumaas sa P9.63 mula sa P9.28 noong Oktubre at ito ay para sa kumukonsumo ng 200 kilowatt per hour.

Samantala, ang presyo naman ng diesel sa Metro Manila ay tumaas sa P35.37 mula P34.51, samantalang ang gasolina naman ay naging P48.44 mula sa P46.89. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?