20
michael-romero
By

Inflation czar rekomenda ni Romero

Sharing is caring!

Nagbabala si 1-PACMAN partylist Rep. Michael Romero na lalo pang sisirit ang inflation rate kasunod ng pananalasa ng bagyong Ompong.

Ayon kay Romero, tiyak na maaapektuhan ng husto ang suplay ng bigas at gulay dahil sa nasalantang mga pananim at sakahan kaya dapat nang asahan ang lalo pang pagtaas sa presyo ng bilihin ngayong buwan hanggang Oktubre.

Dahil dito’y inirekumenda ng kongresista na magkaroon na ang Pilipinas ng inflation czar.

“To steer the country out of the inflation rut it is in, I suggest to President Rodrigo Roa Duterte that he constitute a presidential task force to combat inflation,” ani Romero.

“Our inflation problems started during the lean months for rice last year. With the peso depreciating even further this year, imported fuel will become more expensive and worsen inflation. The people want swift action now,” dagdag ng mambabatas.

Sabi pa ni Romero, magiging malungkot ang Pasko ng mga Filipino kung walang magiging solidong aksyon ang mga ahensya ng gobyerno para mapigilan ang lalo pang pagsipa ng inflation.

Ginawa nito ang mungkahi matapos sumipa sa 6.4 percent ang inflation rate at sa gitna rin ng patuloy na krisis sa bigas at pagtaas ng presyo ng iba pang pangunahing mga bilihin at serbisyo na sinabayan pa ng alitan ng mga opisyal sa ilang ahensya na siyang merong mga mandato para tugunan ang problema sa inflation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?