10

Mar 5, 2021 @ 10:37
By

Inflation bumilis sa 4.7%

Tumulin sa 4.7 porsiyento ang inflation rate ng Pilipinas noong Pebrero 2021.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Biyernes, ang pangunahing tulak ng inflation ay ang pagsirit ng mga presyo ng pagkain at transportasyon.

Mas mabilis ito sa 4.2% national inflation rate noong Enero, at 2.6% noong Pebrero 2020.

Pasok din ito sa forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mula 4.3% hanggang 5.1%.

Ang inflation ay ang pagtaas ng presyo ng ilang pangunahing serbisyo at produktong binibili ng mga consumer, gaya ng pagkain at gasolina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?