23

Jan 5, 2022 @ 10:51
By

Inflation bumagal noong Disyembre 2021 – PSA

Naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 3.6% na inflation para sa buwan ng Disyembre 2021, na dulot umano ng mabagal na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ayon sa PSA, ang 3.6% na inflation ay mas mabagal kumpara sa 4.2% noong Nobyembre 2021.

Gayundin, pasok ito sa target ng pamahalaan na mula 2% hanggang 4%.

Para sa taong 2021, ang average inflation ay naitala ng PSA na 4.5%.

Ayon kay ING Philippines Senior Economist Nicholas Mapa, nakakabigla ang pagbagal ng inflation lalo pa’t nanalasa ang bagyong Odette.

“Perhaps the authorities did not include inflation in areas stricken by super typhoon Odette…The print is the first time inflation falls below 4 percent but still not enough to keep the full-year inflation within the BSP’s target band,” wika ni Mapa.

Para sa 2022, ang inflation forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay 3.4%. (mjd)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?