185

Dec 4, 2019 @ 12:45
By

Indonesian wushu athlete nagkamit ng 2 ginto, namatayan ng tatay

Napuno ng luha ang mga mata ni Indonesian top wushu athlete Edgar Xavier Marvelo: dahil sa saya ng pagkamit ng ginto sa men’s gunshu/daoshu at taolu duilian events, at dahil sa lungkot ng pagkamatay ng kanyang tatay sa huling araw ng kompetisyon ng wushu sa 30th Southeast Asian (SEA) Games, Martes.

Ayon sa The Jakarta Post, naospital dahil sa sakit sa puso ang tatay na si Lo Thiang Meng noong Biyernes, parehong araw na dumating sina Marvelo sa Pilipinas.

Nagulat man sa balita ang 20-anyos na lalaki ay nagpatuloy pa rin ito sa patimpalak, at nasungkit ang dalawang ginto sa World Trade Center.

Inalay ni Edgar ang pagkapanalo sa kanyang pumanaw na tatay.

“I promised that I would do [this] for him,” hayag pa ni Marvelo sa ulat ng The Jakarta Post.

Babalik ngayong umaga, Disyembre 4, si Marvelo sa Indonesia dahil sinara kahapon ang Ninoy Aquino International Airport sa gitna ng pananalasa ng Bagyong “Tisoy.”

Sa Sabado ike-cremate ang tatay ng atleta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?