17

Jan 13, 2021 @ 14:35
By

Indonesian President tinurukan ng Sinovac bakuna

Ngayong araw, tumanggap na si Indonesian President Joko Widodo ng COVID-19 vaccine na dinebelop ng biopharmaceutical company ng China na Sinovac Biotech.

Sa ulat ng Xinhua, sinabing si Widodo ang unang Indonesian na binakunahan kontra coronavirus.

Unang tinurukan ang pangulo ng Indonesia para maipakita sa kanyang mga nasasakupan na ligtas ang bakuna galing China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?