335

Dec 11, 2019 @ 21:07
By

Indonesian player na nag-FU sign, pinagtanggol ni Espejo

Dinepensa ni PH volleyball star Marck Espejo ang Indonesian player na si Putu Randu na nahuling nag-bad finger sa telecast.

Sa isang eksena, makikitang umaktong ginilitan ni Randu ang kanyang leeg sa gitna ng laban, ilang saglit pa’y nag-dirty finger pa.

Ngunit binalewala ito ni Espejo at sinabing mabait naman ang manlalaro at hinikayat na huwag nang i-boo si Randu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?