5
views
tawitawi
By

Indonesian nasagip ng mangingisda sa Tawi-Tawi

Sharing is caring!

Natagpuang palutang-lutang sa katubigan ng Tawi-Tawi ang bangka ng isang Indonesian.

Nasagip si Erens Fiter nitong Lunes dakong alas-kuwatro ng hapon matapos siyang mamataan ng Pinoy na mangingisda na si Idris Elsan sa Barangay Manuk Mangkaw, Simunul, Tawi-Tawi.

Ayon sa ulat, dahil sa malakas na hangin ay natanggal sa pagkakasabit sa anchor ang floating cottage na sakay si Fiter mula pa noong Marso 19.

Ayon sa Indonesian, bigo umano siya na makuha ang atensiyon ng mga napapadaan na seacrafts.

Dinala si Fiter sa Simunul Municipal Police Station alas-siyete ng umaga noong Martes matapos makitulog muna sa bahay ni Elsan.

Ibinigay siya sa Joint Task Force Tawi-Tawi dakong alas-dos ng hapon para sa tamang disposisyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?