300

Dec 15, 2017 @ 11:54

Indonesian magician Sacred Riana, wagi sa Asia’s Got Talent

Tahimik man at nakakatakot ang kilos at itsura na parang karakter sa South Korean horror film na ‘Doll Master’, nakuha pa rin ng Sacred Riana ang puso ng mga tao sa buong Asya matapos maiuwi ang US$100,000 at tanghaling panalo sa 2nd Season ng Asia’s Got Talent.

Pinataob ng Indonesian magician ang pambato ng Pinas na 10-member dance crew DM-X Comvalenoz base sa boto ng mga manonood nitong Huwebes sa Marina Bay Sands sa Singapore.

Sa unang tirada ng kanyang magic sa finals, hiningi niya ang mga kamay ng isa sa mga judge na si Korean-American artist Jay Park, kung saan may papel siyang sinunog na may nakaguhit na bituin at inilagay niya sa bowl. At sa kunyaring abo nito, kumuha siya ng abo at inilagay sa kanang kamay ni Park at dito’y lumitaw ang bituin na nakaguhit sa papel na kanyang sinunog.

Kilala si Sacred Riana, 25-anyos, sa mga nauna niyang performance ng magic na tinatakot ang mga judge kabilang na nga sa biktima niya ay si singer Anggun.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?