37

Indonesian farmer sinunggaban ng tigre, patay

Patay ang isang 55-anyos na magsasaka matapos atakihin ng isang Sumatran tiger sa isang coffee plantation sa South Sumatra, Indonesia.

Ayon sa mga awtoridad, nagsisigaw ang kasama ng biktima nang makitang papalapit na ang hayop.

Bigla na lang umanong dinambahan ng tigre ang magsasaka, kwento ni police chief Ferry Harahap sa AFP ngayong Biyernes, Disyembre 13.

Isa pang magsasaka ang naunang pinatay ng Sumatran tiger sa Pagar Alam ng parehong lalawigan noong nakaraang linggo, habang namatay din ang isang coffee farmer at sugatan ang dalawang Indonesian tourist sa hiwalay na insidente noong Nobyembre.

Sinisi ni Conservation Agency official Martialis Puspito sa sunud-sunod na pagkamatay ang mga taong pumupunta pa rin sa kagubatan kahit pa binalaan nang lumayo dahil sa mga wild animal doon.

Tinuturing ng International Union for Conservation of Nature na “critically endangered” ang mga Sumatran tiger, na pinaniniwalaang nasa 400 na lang ang bilang sa ngayon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?