57

Nov 30, 2021 @ 20:14
By

Indonesia umatras sa Miss Universe

Hindi na sasali ang Indonesia sa 70th edition ng Miss Universe sa Israel nitong Disyembre.

Sa isang statement, sinabi ng Puteri Indonesia organisation na dahil sa mga COVID-19 restriction sa kanilang bansa, nagdesisyon silang huwag nang magpadala ng Indonesian representative sa kompetisyon.

“With a heavy heart, we would like to inform you that we will not be able to participate in the 70th Miss Universe pageant. Tight preparation time and local Covid-19 restrictions led to our decision of not sending our Indonesian representative for this year’s competition,” saad nito.

Bukod sa Indonesia, hindi rin sumali ang Malaysia, Barbados at Laos dahil sa COVID-19.

Ibinalita rin ngayong araw ang pagpositibo sa COVID ni Miss Universe France Clemence Botino.

Sampung araw ika-quarantine si Botino, matapos ay sasalang uli siya sa COVID test.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?