211

By

Indonesia Pres, Widodo todo-puri kay PH surfer Casugay

Pinasalamatan ni Indonesia President Joko Widodo ang tinuturing na hero na Pinoy surfer na si Roger Casugay dahil sa pagsagip sa kababayan nito.

Ito’y matapos na isalba ni Casugay si Arip Nurhidayat ng Indonesia na naputol ang leash dahilan para matangay ng alon.

Sa kanyang social media account na @jokowi pinaabot ni Widodo ang kanyang pasasalamat kay Casugay.

“My appreciation to Roger Casugay, a Filipino surfer who gave up his chance to win the gold medal in a bid to help an Indonesian athlete who fell [into the sea] during the competition,” ayon kay Jokowi.

“Winning a competition and upholding sportsmanship is important, but still, humanity is above all. Greetings from Indonesia,” ayon kay Widodo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?