15
views
ABANTE INDONESIA ISLAMIC EDUCATION EXTREMISM
By

Indonesia nag-alok ng Islamic education kontra extremism

Sharing is caring!

Agad tinanggap ng Pilipinas ang alok ng Indonesia na ibahagi ang kanilang best practices ukol sa Islamic education.

Ito ay bahagi ng kanilang pagsisikap na matugunan, labanan at maiwasan ang extremism hindi lamang sa bansa kundi sa ibang bahagi ng Timog-Silangang Asya.

Ang alok na tulong ay ginawa ni Indonesian Foreign Minister Retno Marsudi nang bumisita ito sa Davao at ihayag ang buong suporta ng Indonesian government sa mga pagsisikap ng Pilipinas na sugpuin ang Islamic extremist groups sa Mindanao.

Sinabi naman ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, ang Indonesia ay isa sa mga modelo para sa uri ng Islamic education na maaaring tingnan ng Pilipinas at ASEAN para kontrahin ang pagtaas ng extremism.

Dagdag pa nito, ayaw na ng Indonesia na maulit pa ang Marawi City siege kaya’t sila ay nag-alok na ng tulong.

Noong nakaraang taon, nagkasundo ang Pilipinas, Indonesia at Malaysia na payabungin ang pagtutulungan upang matugunan ang panganib na dulot na terorismo at extremism sa rehiyon. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?