212

Aug 9, 2018 @ 17:15
By

Indonesia muling niyanig ng malakas na lindol, mga gusali gumuho

Tinamaan muli ng malakas na lindol ang isla ng Indonesia na Lombok nitong Huwebes, ayon sa United States Geological Survey.

Ito’y matapos ang 6.9 magnitude na lindol na tumama noong Linggo sa naturang bansa na kumitil ng nasa 350 katao at inaasahan pa umanong tataas ang bilang na ito, ayon sa Indonesian state media.

Kanina nang yumanig naman ang 5.9 magnitude na lindol sa hilaga ng Lombok.

Nagdulot ito ng pagguho ng mga gusali, ayon sa Southeast Asian Nation’s meteorology and geophysics agency.

Naramdaman din umano ang lindol sa Bali, na isa ring sikat na resort island sa Indonesia.

Unang iniulat ng geological agency ng Indonesia na isang magnitude of 6.2 ang tumamang lindol na may lalim lang na 12 kilometro.

Ayon sa mga ulat, mahigit 220 na umano ang namatay sa bagong lindol. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?