14

Mar 29, 2020 @ 14:38
By

Indonesia inuga ng magnitude 5.8 lindol

Naramdaman ang magnitude 5.8 earthquake sa Indonesia nitong Sabado, ayon sa European Mediterranean Seismological Centre.

Naispatan ang epicenter ng lindol 105 kilometer south ng Palu sa isla ng Sulawesi.

Bukod pa dito, base sa website ng meteorology agency ng Indonesia ay may dalawa pang lindol ang naramdaman sa lugar malapit sa Central Sulawesi.

Wala namang napaulat na pinsalang idinulot ang nasabing lindol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?