178

Aug 10, 2018 @ 12:00
By

Indie film producer naloka sa P7M asking TF ni Maricel

True kaya ang tsikang naimbiyerna raw ang isang indie film producer nang magpresyo ng P7M ang Diamond Star na si Maricel Soriano para sa kanyang serbisyo?

Naloka raw ang nasabing producer sa hiling na talent fee ni Maricel knowing na limitado lang naman ang budget sa isang indie movie.

Hindi raw kaya alam ng aktres ang kalakaran sa indie world kaya buong ningning na nagbigay ito ng presyong P7 milyon para magbida sa isang low-budgeted movie?

Obyus daw na walang alam si Maria na kahit ang ilang sikat na artista na gumagawa ng indie film ay talagang bagsak presyo dahil sa kaliitan ng pondo rito.

Muntik nga raw himatayin ang indie producer sa asking TF ng beteranang aktres na super sikat pa rin daw ang tingin sa sarili.

Ang nasabi lang daw ng producer, “Kaloka siya!” ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?