47

Dec 14, 2017 @ 13:55

Indianapolis, host ng 2021 NBA All-Star Game

Napili ng NBA ang Indianapolis bilang host ng 2021 All-Star Game na gaganapin sa Pebrero 14, 2021.

Ginawa ni NBA Commissioner Adam Silver ang anunsiyo nitong Miyerkules (Huwebes, Manila time) bago ang pagtuntong ni Paul George sa Bankers Life Fieldhouse sa unang pagkakataon matapos ma-trade sa Oklahoma City Thunder, ayon sa AP.

Maliban sa Bankers Life Fieldhouse, isasagawa ang iba pang events sa Lucas Oil Stadium na naging host na rin ng Super Bowl XLVI noong 2012. Mayroon itong 45,000 capacity.

Kabilang sa mga event sa NBA All-Star weekend ang G League all-star game, celebrity game, rising stars challenge, slam dunk contest, 3-point contest at skill challenge.

Huling nag-host ang Indiana ng All-Star weekend noong 1985 kung saan ginanap ang laro sa RCA Dome.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?