17
indiana
By

Indiana school shooting, tinututukan na ng DFA

Inaalam na ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung may Filipino na kabilang sa mga nasugatan at nasaktan sa panibagong insidente ng pamamaril sa isang eskuwelahan sa Amerika.

Sa pahayag ng DFA, ang Philippine Consulate sa Chicago ang nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad kaugnay sa insidente sa Noblesville West Middle School sa Hamilton County, Indiana.

Nabatid na may 17,000 Filipino sa Indiana at hawak na ng mga awtoridad ang suspek sa pamamaril.

Samantala, nakatutok na rin ang Philippine Consulate General sa Toronto kaugnay naman sa pagsabog sa isang restaurant sa Mississauga, Ontario sa Canada.

Base sa datos ng DFA, may 40,000 Filipino ang nakatira sa nabanggit na lugar.

Sa mga paunang ulat, 15 katao ang nasaktan sa pagsabog ng isang hinihinalang improvised explosive device sa isang Indian restaurant.

Sinabi ng mga testigo na dalawang lalaki ang naglagay ng pampasabog dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?