dead

Indian teenager, ginilitan ang kaklase para ma-postpone ang exams

Sharing is caring!

Inaresto ang isang teenager sa India matapos akusahan ng pagpatay sa pamamagitan ng paggilit sa lalamunan ng kanyang kaklase na pitong taong gulang upang hindi matuloy ang kanilang exams.

Sa report ng AFP News, ang 16-anyos ay inakusahan ng pagpatay sa kanyang kaklase noong Setyembre sa isang private school, malapit sa Delhi upang mapigilan umano ang kanilang eksamen, pati na ang nakatakdang parent-teacher meeting.

Nauna nang ikinulong ng mga pulis ang isang konduktor ng bus para sa pagpatay sa biktima matapos nitong akuin ang kasalanan dahil umano sa pagtanggi ng huli sa sex.

Ngunit ayon sa tagapagsalita mula sa federal investigators, na mayroon silang matibay na ebidensiya laban sa teenager na may motibo umano na mapahinto ang kanilang nakatakdang exams at ang meeting.

“He admitted during questioning that he wanted to shut the school to defer the exams and meeting,” ani Central Bureau of Investigation spokesman R.K. Gaur sa AFP News.

Ang teenager umano na hindi puwedeng pangalanan dahil sa pagiging menor de edad, ay inilagay na sa juvenile detention center hanggang sa kanyang paglilitis sa pagpatay.

Dagdag pa ni Gaur, ang konduktor ay mananatili muna sa kulungan hanggang hindi pa pinapawalang-sala ng korte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?