232

By

Indian swak sa pangmamanyak ng sekyu

Kalaboso ang isang Indian national matapos umanong hipunan sa dibdib ang isang lady guard sa Canciller Avenue, District 1, Cauayan City, Isabela noong Martes.

Kinilala ng Cauayan City Police Station (CCPS) ang suspek na si Derma Sanduh, 20, ng San Lorenzo Subdivision, Marabulig, sa nasabing siyudad.

Samantala, ang biktima ay tinago sa pangalang “Irene,” 33, residente ng Barangay District 1, Cauayan City.

Ayon sa CCPS, habang abala umanong gumagawa ng Christmas tree ang dalaga kasama si Rafael Leon sa isang flower shop ay lumapit umano ang Indian national at sinabihan ang biktima na malaki ang dibdib nito.

Sinipa siya ng dalaga matapos nitong hawakan ang kanyang kanang dibdib at agad na humingi ng tulong si Leon sa CCPS.

Agad na dinakip si si Sanduh at dinala sa CCPS at mayroong P36,000 na piyansa ito parasa kanyang pansamantalang kalayaan.

Magugunitang una nang sinampahan ng kasong disobedience upon a person or agent in authority ang suspek matapos pagsalitaan ng masama ang mga pulis sa isang checkpoint subalit nakalaya matapos mag-piyansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?