14

Nov 13, 2020 @ 18:50
By

Indian national nagpalugaw sa mga evacuation center

Ipinagluto ng lugaw ng may-ari ng isang Indian restaurant sa Makati City ang may 4,000 evacuee, kabilang ang mga frontliner, sa Marikina City na sinalanta ng bagyong Ulysses.

Mismong si Chef Surat Rana, isang Indian national, ang nagluto ng lugaw at ipinamigay iyon sa mga evacuation center.

Sa ulat, sinabi ni Rana na maliit na paraan nila iyon para tulungan ang mga Pilipino kung saan nakipag-ugnayan sila sa Malasakit Movement.

Ayon kay Metro Manila Development Authority spokesperson at Malasakit Movement founder Assistant Secretary Celine Pialago, tugon iyon ng grupo sa panawagan ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro para sa donasyong mga cooked at ready-to-eat meal sa mga evacuee.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?